3 binatilyo niratrat sa Pangasinan

PINAGBABARIL ng matataas na kalibre ng baril ang tatlong high school student matapos na makipag-lamay sa patay sa lalawigan ng Pangasinan kaninang madaling araw.

Sinabi ni Inspector Rodolfo Olinda Jr., Balungao police’s deputy chief, na ang mga biktimang sina Raul Brian Villapa, Brian Villapa at Mike Sapiil, pawang mga 14-anyos at nasa ikatlong antas sa Balungao High School ay nagtamo ng tama ng bala mula sa M-14, M-16 rifles at Carbine sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Himala namang hindi man lamang nagalusan ang kasama ng mqa biktima na si Argie Sobrepilla, 16-anyos pero dahil sa nasaksihang malagim na krimen ay hindi pa rin ito maka-usap para hingan ng salaysay na makatutulong sa nasabing krimen.

Wala pang ideya ang pulisya kung sino ang nang-ambus sa mga magkakaklase pero dahil matataas na kalibre ng baril ang ginamit ay may ideya na sila kung sino ang nagkasa ng pang-a-ambush.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-11:45 at alas-12:15 ng madaling araw sa boundary ng Barangay Raymundo at San Miguel ng naturang lalawigan.

Ayon kay Olinda, Jr., bago ang pamamaril ay pauwi na ang mga biktima mula sa pakikipaglamay nang sa hindi pa malamang dahilan ay bigla silang pinagbabaril ng mga salaring lulan ng isang kotseng hindi naplakahan.

Hindi naman tinamaan si Sobrepilla ng mga bala kaya hinala ng pulisya na maaring hindi talaga ito kasama sa itutumba.

Maaantala ng bahagya ang imbestigasyon ng pulisya dahil hihintayin pa nilang makabawi ang biktima sa trauma  bago muling kausapin.

Nakarekober sa crime scene ang 24 na empty shell.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply