3 binatilyo tinadtad ng M-16 sa Pangasinan

PATAY ang tatlong binatilyo nang tambangan ng mga hindi pa nakilalang mga suspek at pagbabarilin gamit ang M-16 sa Barangay San Raymundo, Pangasinan iniulat ng pulisya kaninang madaling-araw.

Kinilala ni Balungao Police deputy Chief Rodolfo Olinda Jr. ang mga biktima na sina Paul Brian Villapa, Brian Luna at Mike Sapiil, pawang 14-anyos, estudyante ng  Bulangao National High School at residente ng Barangay San Miguel.

Naganap ang pananambang dakong alas-11 kagabi sa boundary ng Barangay San Miguel at San Raymundo habang papauwi ang mga biktima galing sa isang lamay.

Isa naman sa mga binatilyo ang nakaligtas, kinilalang si R-Jay Sobrevilla nang makatakbo, ngayon ay nasa kostudiya na ng Balungao Police.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang motibo sa krimen, lalo at gamit ng mga suspek ay matataas na kalibre ng baril ayon sa narekober na mga bala ng M-16, M-14 at carbine sa lugar ng krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply