3 dating estudyante ng PUP tiklo sa anti-NPA raid

TATLONG dating estudyante ng isang state university sa Maynila kabilang ang isang babae at pawang armado ang naaresto sa Rizal nitong Miyerkules ng gabi (Oktubre 27) dahil sa pagiging miyembro umano ng New People’s Army (NPA).

Kinilala ang tatlong subersibo na sina Marissa Espidido, 21; Jared Valero Morales, 21; at Hermogenes Reyes, 22, pawang dating estudyante ng Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa, Manila.

Sinabi ni Lt. Col. Noel Detoyato, commander ng Army’s 16th Infantry Battalion, na ang tatlo ay nadakip malapit sa isang Army patrol base sa Sta. Ynez village sa Tanay town dakong alas-8:45 ng gabi

Nakumpiska sa mga suspect ang dalawang M16 armalite rifles na ang isa ay may M203 grenade launcher; isang shotgun na may 12 live ammunition; 12 M16 magazines na may live ammunition; 12 40mm live ammunition; dalawang granada; at isang improvised explosive device.

“They did not resist or put up a fight because of overwhelming number of troops,” pahayag ni Detoyato.

“They go near populated centers to evade our operations and recruit, extort or harass troops if there is an opportunity,” dagdag pa ni Detoyato. “It appears that they are not familiar with the place, hence they got near a patrol base.”

Sinabi ni Detoyato na si Espidido ang hanap sa isinampang writ of amparo ng kanyang magulang sa korte noong 2007. Ang respondents sa reklamo sa pagkawala ni Espidido at mga leftist organizations na Kabataan at Bayan Muna.

Ibinasura aniya ang reklamo nang biglang lumutang o magpakita si Espidido sa kanyang mga magulang.

Si Espidido ay isang BS Sociology student habang si Morales at Reyes naman ay may kursong business administration at cooperatives, ayon pa kay  Detoyato.

Ang tatlo ay ikukulong sa Bureau of Jail Management and Penology. Robert C Ticzon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply