3-day holiday idineklara sa Thailand

TATLONG araw na holiday ang ibinigay ng Thai government sa Bangkok at sa iba pang binabahang lugar sa bansa.

Sarado simula sa Huwebes, Biyernes at sa Lunes ang mga paaralan, negosyo at tanggapan ng gobyerno para sa limang araw na break sa Bangkok at sa 20 pang lalawigan.

Pinag-iisipan naman ng Central Bank ng Thailand kung isasara rin ang financial market sa naturang mga petsa.

Ginawa ang deklarasyon matapos ianunsyo sa telebisyon ni Bangkok Governor Sukhumbhand Paribatra na maging alerto ang mga residente dahil umakyat sa 2-point-60 meters ang tubig sa Chao Phraya river noong Lunes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply