3 estudyante na napatay sa ambush nagpaparamdam…

Kilabot ang nararamdaman ngayon ng mga kaklase ng napatay na tatlong magkakaibigan na sina Mike Sapiil, Bryan Luna at Paul Bryan Villapa sa Balungao National Highschool, dahil sa umano’y sunod-sunod na pagmumulto ng mga ito.

Ayon sa ilan nilang kaklase, madalas umao silang makaamoy ng kandila, mabangong bulaklak at nakakaranas ng patay-sinding ilaw sa loob ngclass room.

Kwento pa ng ilan nilang kaklase, nagpakita na raw sa kanila si Sapiil at minsang nagpakita sa panaginip ng isa ring kaklase na nagpapaalam at naghabilin.

Dahil sa karanasang ito ng ilang estudyante, agad na nag-alay ng misa ang paaralan para sa kaluluwa ng tatlong estudyante.

Hiling ng mga ito na makamit na ng mga biktima ang hustisya.

Una rito, inambus ang magkakaibigan noong Biyernes ng gabi sa San Raymundo, Balungao, habang pauwi galing naman sa isang lamayan.

Naaresto na ang tatlong magkakapatid na pumaslang sa mga ito, habang sumuko na ang isang pulis na isinasangkot din sa naganap na pananambang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply