3 hijacker patay sa engkuwentro sa Cavite

TATLONG hinihinalang hijackers ang napatay sa naganap na enkuwentro sa lalawigan ng Cavite kaninang madaling araw

Ayon sa ulat ni Superintendent Romeo Valero ng Provincial Police Intelligence Unit, nasukol umano nila ang mga suspek pasado alas-4:00 ng madaling araw sa barangay Manggahan sa General Trias.

“Itong mga suspected hijackers ay inagaw ang 10-wheeler na may dalang produkto na more or less P2 million ang halaga,” pahayag ni Valero.

Ang sagupaan ay nagsimula matapos magbigay ng impormasyon ang nakakita sa insidente habang inaagaw ng mga suspek ang truck.

“Nang ma-corner sa area na ito nagkaroon ng palitan ng putok kaya natamaan ang tatlo sa mga suspects,” ayon pa kay Valero.

Puwersahang dinala ng mga suspek ang truck kasama ang mga pahinante at ibinaba sa General Trias. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply