3 importer, brokers kinsuhan ng technical smuggling

SINAMPAHAN ngayon ng kasong technical smuggling ng Bureau of Customs sa Department of Justice ang tatlong negosyante at mga broker nito sa paglabag sa Section 3601 at 3602 ng Tariff and Customs Code of the Philippines.

Personal na inihain ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang mga kaso laban sa mga may-ari ng mga kompanya na sina Maria Guia Alfonso, may-ari ng Advance Impex International Trading, Michael Galon Jovan ng Lana Enterprises at Raymundo Conge Rebozido na may-ari ng Royal Halo Enterprises at ang kanilang mga broker na kinilalang sina Vanessa Ocampo, Steve Salagade Semblante at Jason Ferrer.

Ayon kay Biazon, idineklara ni Alfonso ang dalawang 40-ft. container vans na naglalaman ng mga sibuyas na mga mansanas sa dokumento na may assessed value na P4 milyon.

Si Jovan naman ay dineklarang mga pastries ang anim na container van na mga sibuyas na nagkakahalaga ng P18 milyon. Habang si Rebosido ay dineklarang mga plastic at kitchen wares ang apat na van ng sibuyas na may halagang P5.3 milyon.

Ang mga kargamento ni Rebozido ay nakalusot at nakalabas ng Customs, subalit sinundan ng mga operatiba at natuklasang sibuyas ang laman ng mga container at hindi mga kitchen ware na nauna nang idineklara nito.

Ang lahat ng kargamento ng tatlong kompanya ay inisyuhan ng Warrant of Seizure at Detention at nasa kustodiya na ng ahensya samantalang idinagdag sa kaso ng tatlong akusado ang paglabag sa Article 172 ng revised penal code for falsification.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply