3 katao kalaboso sa shabu sa Quiapo

NATIMBOG ang tatlo katao matapos na mahulihan ng shabu sa isinagawang drug operation ng mga tauhan ng MPD-PS3 Anti Illegal Drugs-Special OperationTask Unit kaninang umaga sa Quiapo, Maynila.

Hawak ngayon ng MPD-PS 3 ang mga naaresto na sina Karlo del Rosario, alyas Bunso, 19, binata, walang trabaho at residente ng Carlos Palanca St., Quaipo, Maynila; King Palomares, 29, binata, walang trabaho ng 532 Nueve de Febrero St. Mandaluyong City at si Joel Yambao, 32, binata at taga-Block 6 Welfare Ville Compound, Mandaluyong City.

Ayon kay P/Supt James Afalla, hepe ng MPD-Station 3 dakong alas-5:00 ng umaga ng maaresto ang mga suspek sa kahabaan ng Nepomuceno St. at Arlegui St., ng naysabing lugar.

Nakatanggap si Afalla ng impormasyon hinggil sa iligal na aktibidades ng mga suspek sa lugar kaya agad siyang bumuo ng grupo sa pangunguna ni P/Sr Insp. Glenn Gonzales at anim na iba pa na siyang magsasagawa ng operasyon sa lugar.

Isang pulis ang nagpanggap na puseur buyer at nang aktong iniaabot ang nasabing droga ay agad na silang inaresto ng mga awtoridad at dinala sa nasabing presinto.

Narekober sa mga suspek ang anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu kung saan isinumite ito sa Crime Laboratory para sa forensic examination.

Sasampahan ang mga suspek ng kaukulag kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply