3 Korean miners nawawala sa Mindanao

BLANKO pa rin ang Philippine National Police sa kinaroroonan ng tatlong Korean miners na iniulat na nawawala ilang araw na ang nakararaan sa Cagayan de Oro sa ulat ng pulisya ngayong araw.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, kumpirmadong may tatlong Korean nationals  na kinilalang sina Nam Dou, Woo Shu Bong at isang Mr. Choi na umano’y mga minero na mula sa Korea.

Base sa impormasyong ibinahagi sa media ni Cagayan De Oro City Police director P/Sr.Supt Gerry Rosales, ang mga banyaga ay sinasabing nag-check in sa isang hotel sa Cagayan de Oro may ilang buwan na rin ang nakalilipas.

Sinabi ng opisyal na nabatid sa kasintahang Pinay ni Choi na sila ay mayroong pupuntahang mining site sa Lanao bago ito nawala.

Subalit blanko ang mga awtoridad  kung saang bahagi dinala ang mga biktima sapagkat mayroong Lanao del Norte at Lanao del Sur na hindi matiyak ng mga taong nakasama ng mga biktima.

Nabatid na lalong  lumabo ang misteryo sa sinasabing pagkawala ng tatlo dahil base umano sa pahayag ng Korean embassy ay  wala sa kanilang record ang mga nawawalang Koreano,

Bunsod nito ay mas naging kumplikado ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at sa pagberipika sa totoong katauhan ng mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply