3 militar patay sa ambush sa Lanao del Norte

PATAY ang tatlo pang miyembro ng militar, habang tatlo rin ang sugatan sa panibagong insidente ng ambush sa Paran Road, Lanao del Norte bandang alas-11:00 ng umaga kanina.

Ito ang pagkumpirma ni Philippine Army spokesperson Major Harold Cabunoc.

Nabatid na tinambangan ang mga tropa ng 104th Brigade ng Philippine Army ng mga armadong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa ngayon ay nagpadala na ng karagdagang puwersa ng militar sa pinangyarihan ng pananambang para sa reinforcement.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply