3 miyembro ng extortion gang, tepok sa parak

PATAY ang tatlong miyembro ng extortion gang makaraang makipagsagupaan sa anti-kidnapping and police operatives sa Rizal, umaga ng Sabado, Oktubre 8.

Ayon kay Rizal police chief Senior Superintendent Manuel Prieto, naganap ang pakikipagbarilan ng mga suspek sa pulisya sa Brgy. Macamot, Binangonan.

“It was an extortion group trying to intimidate a victim. The three tried to shoot it out with authorities,” ayon sa panayam kay Prieto sa dzBB.

Ayon pa kay Prieto, nasakote ang mga suspek ng Binangonan police at Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) kung saan narekober sa mga ito ang hindi pa batid na halaga ng salapi.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply