3 miyembro ng local drug group, supplier timbog sa PDEA

KALABOSO ang tatlong miyembro ng local drug group at ang kanilang supplier sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Zamboanga City, ayon sa ulat ngayong araw.

Ang mga suspek ay kinilala ni PDEA) Director Undersecretary Jose Reyes, Jr., na sina Jasem Lilang, 22; Mohamad Lilang, 30; Joel Sergio, 24 at Nora Cabaro (supplier), 32.

Hinihinalang miyembro ng Ali Drug Group ang magpinsang suspek na sina Lilang at Sergio na natiklo makaraang bentahan ng droga ang isang PDEA agent sa halagang P100,000.

Ayon sa PDEA, sinubukan pang umeskapo ng magpinsan, ngunit napurnada ito nang ma-flat ang gulong ng kanilang sasakyan na pinagbabaril ng mga awtoridad.

Pagkatapos ay inginuso ng tatlo ang tinutuluyang hotel ni Cabaro dahilan upang maaresto ito.

Nakumpiska sa kanila ang 25 gramo ng shabu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply