3 opisyal ng PUP kinasuhan sa Ombudsman

SINAMPAHAN ng kaso sa Ombudsman ni Polytechnic University of the Philippines (PUP) President Dr. Dante Guevarra ang tatlong opisyal ng unibersidad matapos hindi igalang ang temporary restraining Order (TRO) na ipinalabas ng Manila RTC laban sa kanya.

Ang mga kinasuhan ay sina Commission on Higher Education at PUP Board of Regents Chairman Patricia Licuana; Atty Estelita Wi Dela Rosa at PUP Vice President for administration na si Augustus Cesar.

Base sa 11 pahinang reklamo ni Guevarra, sinampahan niya ng mga kasong paglabag sa Article 171 o falsification by public officer, article 172 o use of falsified documents, article 177 o usurpation of authority or official functions, article 183 o perjury at article 241 o usurpation of

judicial functions ng revised penal code, at  mga paglabag sa anti-graft and corrupt practices act ang isinampa laban sa tatlong opisyal ng unibersidad.

Ayon kay Dr. Guevarra, ang pagsasampa niya ng kaso laban sa tatlong opisyal ng PUP ay dahil na rin sa hindi nila paggalang sa TRO  na ipinalabas ng MRTC pabor dito.

Bukod dito, naghain din ng contempt of court sa Manila Regional Trial Court ang opisyal laban kina Chairman Licuanan at Atty dela Rosa.

Ang paglabag sa utos ng korte ng tatlo umano ay nagbunga ng kaguluhan at pag-aalala sa mga manggagawa at kawani ng naturang unibersidad , ayon kay Guevarra.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply