3 opisyal ng Surigao del Norte-PNP sinibak

SINIBAK ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Nicanor Bartolome ang tatlong matataas na opisyal ng pulisya sa Surigao del Norte kasunod ng pag-atake ng mga miyembro ng New People’s Army sa tatlong mining company sa lalawigan.

Tinanggal sa pwesto sina Surigao del Norte Police Director, Sr. Supt. Emmanuel Talento; Provincial Public Safety Company Commander, Supt. Rudy Cuyop at Claver Police Chief, Sr. Insp. Diomedio Cuaadra.

Malaking kwestyon kay Bartolome kung bakit hindi na-detect ng mga pulis ang malaking bilang ng mga rebelde na sumalakay sa tatlong minahan.

Sinabi ng heneral na patuloy nilang iimbestigahan ang insidente upang matukoy ang naging lapses sa bahagi ng pulisya kaya’t nagtagumpay ang mga rebelde sa kanilang pakay.

Tiniyak din ni Bartolome na papanagutin ang mga pulis na nagpabaya sa kanilang tungkulin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply