3 pasaway na tauhan, itinakwil na ng MILF

ITINAKWIL na ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang tatlong tauhan na sangkot sa iba’t ibang kriminalidad na tinutugis ngayon ng tropa ng pamahalaan.

Ayon kay Army Spokesman, Major Harold Cabunoc, kinumpirma ng MILF na hindi na nila miyembro sina Waning Abdulsalam at ang magkapatid na Putot at Ogis Jakaria.

Ang mga ito ay  kabilang sa mga tinutugis ng awtoridad sa inilunsad na law enforcement operations sa Sitio Taib, Barangay Labatan sa Bayan ng Payao sa Zamboanga Sibugay.

Sinabi ni Cabunoc na batay ito sa mensaheng ipinadala ng MILF sa GRP peace panel.

Samantala, kinumpirma ni Cabunoc na napasok na ng tropa ng pamahalaan ang lugar na pinagkutaan ng lawless element sa naturang lugar kaya pansamantalang itinigil ang air strikes at nakatutok sa ground assault.

Sa pinakahuling impormasyon, umabot na sa apat na lawless elements at dalawang sundalo ang patay habang umabot sa 40 sa kalaban at apat na sundalo ang nasugatan sa operasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply