3 patay, 1 sugatan sa bumagsak na military chopper

TATLONG military officer ang nasawi habang isa pa ang malubhang nasugatan sa naganap na crash landing ng isang Air Force chopper kaninang umaga sa lalawigan ng Sulu sa ulat ng Western Mindanao Command.

Ayon kay Army Lt. Col. Randolph Cabangbang, spokesman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command, naganap ang sakuna bandang alas-8:20 ng umaga sa bisinidad ng Camp Baladad sa Sitio Tubig Magtuh, Panglayahan, Patikul Sulu.

Sa impormasyong nakalap naman sa Philippine National Police ay nakilala ang mga biktima na sina  Air Force Capt. Omar Antepuesto, Staff Sgt. Maximo Orquina  at  Airman First Class AIC Rannie Solis habang isinugod naman sa  AFP Trauma Center, Camp Bautista, Jolo, Sulu ang sugatang si 1LT Junius Zulueta.

Nabatid na bandang alas-6:56 ng umaga ay dalawang UH-1H helicopter mula sa Tactical Operation Group 9 Philippine Air Force ang nagsagawa ng reprovision operation – ang  UH-1H element na may tail no.  794 at 606 mula sa Camp Bautista.

Target ng operation ang serye ng resupply mission para sa  6th Marine Battalion Landing Team sa Camp Baladad, Patikul, Sulu.

Subalit sa kanilang pangalawang sortie mula Camp Bautista papuntang Camp Baladad ay nawalan ng puwersa ang makina ng UH-1H aircraft na may tail no. 606 bago pa ito makapaglanding kaya sinubukan ng piloto na magsagawa ng emergency landing sa Camp Baladad.

Total wrecked ang chopper at gumulong pa umano ito kaya agad na inalerto ng Joint Task Force “Sulu” ang Philippine Marine Battalion Landing Team 6 para i-secure ang crash site kasabay ng isinagawang retrieval operation. Verlin Ruiz

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply