3 patay sa flashflood sa Bukidnon

PATULOY ngayon ang ginagawang retrieval operation ng Malaybalay City Risk Reduction and Management Council (MCDRRMC) sa dalawang local tourist sa Impasug-Ong, Bukidnon na naabutan ng pagtaas ng tubig sa Gantungan Falls kdakong alas-5:00 ng hapon kahapon (Oktubre 30).

Ayon kay MCDRRMC President Allan Comiso na anim na mga lokal na turista na empleyado umano ng Negros Navigation ang inimbita na mag-site seeing sa mga magagandang tanawin sa bayan ng Impasug-Ong nang mauwi sa trahedya ang kanilang pamamasyal

Sa paunang pagsisiyasat ng mga awtoridad, na nag-picture taking ang tatlong mga biktima na kinilalang sina John Ferdon, 25, kasama sina Raymund Menilla at Karen Castro sa kalagitnaan ng falls nang hindi nila namalayan na tumaas ang tubig doon.

Na-recover naman kaagad ng mga rescuer ang bangkay ni John Ferdon habang ang dalawang kasamahan nito ay patuloy na pinaghahanap sa ngayon. Ang tatlong naka-survive ay nasa trauma pa sa kasalukuyan na pawang taga-Maynila. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply