3 patay sa pagsalakay ng NPA

TATLONG government militia ang napatay habang dalawa ang malubhang nasugatan nang sumalakay ang mga rebeldeng New People’s Army sa Bislig, Surigao Del Sur sa ulat ng military at pulisya nitong Sabado.

Sa report sinalakay ng mahigit 30 NPA ang isang military detachment na nagsisilbing kampo ng Bagani Tribal Force subalit lumaban ng husto ang mga katutubong nagsisilbing force multiplier ng gobyerno.

Nabatid sa ulat ni P/Supt. Martin Gamba, tagapagsalita ng Police Regional Office 13, agad rumesponde ang mga kasapi ng Bagani Tribal Force sa pamumuno ng  isang Datu Domogoy para saklolohan ang mga napapalabang kasamahan.

Subalit tinambangan ang mga ito ng blocking force na ikinasa ng mga rebelde sa may Road 84B Purok 7, Sitio Mabog, San Roque, Bislig City, lalawigan ng Surigao del Sur.

Patay sa ambush sina Danilo Anod, Gilbert Asis at Efren Dumugoy samantalang sugatan naman sina CAA member Arman Upayan at Joel de Guzman.

Sinabi pa ni Gamba na pinamunuan umano ng isang Ka Friday ng SECOM 14 ng Northeastern Mindanao Regional Command ang naturang pang-aatake .

Samantala, nakauwi na sa kanilang tirahan ang isang  naiulat na umano’y missing na CAA member na si Jonathan Dejado matapos nakapagtago at nakapaghingi ng saklolo sa 23rd Infantry Battalion ng Philippine Army.

Agad namang nagsagawa ng nhot pursuit operation ang pinagsanib na puwersa ng PNP at Philippine Army. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply