3 pekeng pulis nangholdap ng bus sa Edsa

TATLONG kalalakihan na nagpakilalang pulis ang nang-holdap ng isang pampasaherong bus sa may Ortigas-Edsa.

Ayon sa inisyal na ulat, ang tatlong holdaper ay sumakay sa may Baclaran at nagpakilalang alagad ng batas para malibre sa pasahe.

Ngunit pagsapit sa Ortigas Avenue ay nagdeklara ang mga ito ng holdap gamit ang .38 kalibre baril na itinutok pa sa drayber.

Pinadapa pa rin ang mga pasahero na walang nagawa nang limasin ng tatlo ang kanilang pera at gamit.

Kinuha rin ng mga salarin ang kita ng konduktor.

Kasalukuyan nang iniimbesitgahan ng mga operatiba ng Quezon City Police District Station 10 ang nasabing insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply