3 Pinoy boxers panalo sa laban sa US

California – Tatlo sa Filipino boxers ang matagumpay na nanalo sa kani-kanilang laban sa San Manuel Indian Casino, California.

Mismong si WBO welterweight champion Manny Pacquiao ang nasa ringside.

Panalo si Bernabe Concepcion sa pamamagitan ng 10 round split decision laban kay Aaron Garcia para sa bakanteng World Boxing Council (WBC) Continental Americas featherweight title.

Ang dating mini flyweight champion Rodel Mayol ay panalo via technical knockout sa katunggaling si Ernie Marquez.

Binigyan ni Mayol ng matitinding body punches si Marquez hanggang sa itigil na ng referee ang laban sa loob ng ikaapat na round.

Ang Saranggani native boxer na si super flyweight Richie Mepranum contender ay hindi rin nagpahuli sa magandang performance na ipinakita nina Concepcion at Mayol.

Dinaig ni Mepranum si Rigoberto Casillas sa kanilang 8-round fight.

Labis na ikinatuwa ni Pacman ang panalo ng tatlong kababayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply