3 pulis na suspek sa pagtorture sinibak

SINIBAK na ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Dir. Samuel Pagdilao ang tatlong miyembro ng Bacolod City Police matapos akusahan ng pagtorture sa tatlong suspek para umamin sa kasong pagnanakaw at panggagahasa sa nasabing lungsod.

Ang mga pulis na tinanggal sa tungkulin ay kinilalang sina CIDG-Bacolod City Head Chief Insp. Ernor Melgarejo, Senior Police Officer 1 Rosendo Bersal at Police Officer 2 Edny Matillano.

Ayon kay Pagdilao, natuklasan niya na pinilit umano ng tatlong pulis na paaminin sa kasong panggagahasa at pagnanakaw ang tatlong suspek sa isang German national na hindi pinangalanan at isang volunteer worker sa mga indingent children sa nasabing lungsod.

Una rito, inamin ng mga suspek na si Jomar, 19-anyos, Jay-ar at Chris, kapwa 23-anyos, na sila ang may kagagawan ng panggagahasa at pagnanakaw sa biktima subalit binawi ang kanilang testimonya at sumigaw ng pinahirapan lamang ng mga nabanggit na pulis kaya sila napilitang akuin ang nasabing krimen. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply