3 sasakyan nagkarambola: 2 patay

PATAY ang dalawa katao makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa barangay Bancasi, Butuan City kagabi, Oktubre 27.

Sakay ng motorsiklo ang mga biktimang sina Ernesto Mapilos Jr. at Erwin Mata nang sumalpok sa isang Kia Sportage na minamaneho ni Rica Joy Doyon.

Dahil sa lakas ng banggaan, tumilapon ang motorsiklo sa rumaragasang Toyota Hi-Ace van na minamaneho naman ni Rene Parirog.

Patungo sana sa Agusan del Norte ang mga biktima para magbakasyon nang maganap ang aksidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply