3 special forces sugatan sa engkuwentro

TATLONG miyembro ng special forces ang nasugatan sa panibagong bakbakan sa Sitio Bakisung, Barangay Tambo Alarka, Basilan kaninang alas-6:00 ng umaga.

Ayon sa militar, nagka-engkwentro ng tropa ng special forces ang pinaghihinalaang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Nagsagawa ng patrol ang mga sundalo ng makasagupa nila ang mga rebeldeng grupo.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang bakbakan sa lugar at lumilikas na ang mga residente para maiwasang maipit sa dalawang grupo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply