3 todas sa salpukan ng motor at trak

TATLO katao ang namatay nang salpukin ng trak ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Davao Del Sur, kaninang madaling-araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Marc Leo Tecson, drayber ng motor; at mga angkas na sina Jomar Nacion at Diomedez Alfeche.

Tinatahak ng tatlo ang crossing sa Barangay Talas sa bayan ng Sulop nang salpukin ng isang fuso truck na hindi naplakahan.

Sa lakas ng impact, tumalsik pa ang mga sakay ng motorsiklo dahilan ng kanilang agarang kamatayan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply