30 nalambat sa saturation drive sa Manila North Cemetery

UMABOT sa 30 katao ang nalambat ng mga awtoridad matapos ang inilunsad na saturation drive kaninang madaling araw sa Manila North Cemetery.

Ayon  kay Edgardo Noriega, OIC ng Manila North Cemetery, ang mga nalambat ay pawang nahuling natutulog sa ibabaw ng nitso at sa loob ng musoleo.

Dinala na sa himpilan ng MPD Station-3 ang mga naaresto para sumalang sa character investigation.

Samantala, handa na ang pamunuan ng Manila North Cemetery sa pagdagsa ng dadalaw sa puntod sa Undas.

Nakapaglinis na sila at nagtalaga na rin  ng mga security guard sa loob at labas ng buong sementeryo.

Pinaalalahanan din nito ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga matutulis na bagay, alak at radyo.

Pinayuhan din ang mga magulang na magdadala ng bata na kung maaari ay lagyan ng name tag ang kanilang mga anak para sakaling mawala ay may impormasyon na maaaring gamitin para sa mga kaanak nito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply