30 sex workers, 5 bugaw nasakote sa CDO

UMAABOT sa 30 commercial sex workers (CSW) at limang hinihinalang bugaw ang nasakote sa isinagawang saturation drive ng magakasanib na puwersa ng  special units ng Cagayan de Oro City Police Office (Cocpo) sa iba’t ibang lansangan kagabi (Oktubre 28).

Batay sa report ni Police Inspector Eldegardo S. Gacus,  hepe ng Homicide Section, 30 commercial sex workers ang nasakote, tatlo sa mga ito ay mga menor de edad.

Ayon kay Gacus, ang mga commercial sex workers at bugaw ay nasakote habang naghihintay ng kanilang customers sa  Yacapin, Mabini, Tiano, Luna, Divisoria Streets at sa Barangay 17.

“Our main objective actually is to get the identity of these pimps because it cannot be denied that some of these pimps are involved in crimes,” ani Gacus.

Nilinaw ni Gacus na ang isinagawang operation ay hindi upang gipitin ang mga hinihinalang babaeng mababa ang lipad sa halip ay upang linisin ang lansangan sa patuloy na dumadaming babae na nagbebenta ng panadaliang aliw.

Ang mga nadakip na commercial sex workers ay isasailalim sa counseling sa religious sector at non-government organization (NGO).

Una rito nakatatanggap ng reklamo ni Gacus mula sa concerned citizens dahil sa unti-unting paglaganap ng “freelance” commercial sex workers na naka-istambay sa lansangan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply