300 traffic enforcers ikakalat sa Undas

NAKAHANDA na ang may 300 traffic enforcer ng Department of Public Order and Safety ng Quezon City Government para sa kanilang deployment sa “Oplan Kaluluwa” simula Oktubre 29 hanggang sa Nobyembre 2 sa iba’t ibang mga sementeryo sa lungsod Quezon.

Ayon kay Ret. Police General at ngayon ay DPOS chief Anselmo San Diego, ang mga nasabing bilang ng enforcers ay kanyang ikakalat sa iba’t ibang sementeryo sa lungsod upang alalayan ang mga motorista na magtutungo sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Kabilang sa mga sementeryong tututukan ng mga traffic enforcers ng DPOS ay ang mga public cemetery na nasa General Luis St. Novaliches, Bagbag at Baesa cemetery sa Quirino Highway, Novaliches.

Magtatalaga rin sila sa ilang pribadong sementeryo ng Holy Cross cemetery, North Cemetery sa La Loma at Himlayang Pilipino sa Tandang Sora, sa Columbary at Sanctuarium sa Araneta Avenue at sa Aurora Blvd. at Katipunan Ave. sa Project 4, Quezon City.

Tutulong din sila sa pagmamando ng trapiko sa mga motoristang magtutungo sa Loyola Memorial Chapel sa Marikina City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply