300 tunnel sa T’boli nakatakdang ipasara

AABOT sa 300 tunnel sa Barangay Kematu, South Cotabato ang nakatakdang ipasara ng pamahalaang panlalawigan sa susunod na mga araw.

Ayon kayi Engr. Seigfred Flaviano, acting provincial environment and management officer (PEMO) ng South Cotabato, ito ay alinsunod sa inilabas na kautusan ni Gov. Arthur Y. Pingoy, Jr. na pansamantalang pagpapatigil sa operasyon ng mga naturang tunnel hangga’t hindi pa sila nabibigyan ng permit na makapagmina.

Ayon kay Flaviano, matagal nang epektibo ang stoppage order subalit ilang beses ng napagpaliban ang pagpapatupad dahil sa paulit-ulit na paghingi ng extensyon ng mga kinauukulan.

Paliwanag ni Flaviano hindi nabibigyan ng permit ang mga naturang minahan dahil hindi pa nareresolba ang isyu sa pagitan ng Maguan Clan, minanahan ng bayan at Tribal Mining Corporation (TMC).

Handa na umano ang “closure order notice” para ibigay sa mga operator ng mga naturang tunnel.

Ayon pa sa opisyal, matapos nilang maisilbi ang notice sa mga kinauukulan ay bibigyan nila ang mga ito ng limang araw para maibaba ang kanilang stock bago i-padlock ang mga tunnel.

Ayon naman kay Gov. Pingoy, tatalakayin din sa pagpupulong ng Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) ngayong araw ang mga hakbang na maaring magawa ng pamahalaang panlalawigan para matulungan ang mga partido na magkasundo upang mabigyan na sila ang permit na makakapagpatuloy sa pagmimina. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply