3,000 pulis mawawala sa roster ng PNP

TATLONG libong pulis na sinibak sa puwesto, nag retiro o umabot na sa mandatory retirement age ang nakatakdang mabawas sa roster ng Philippine National Police (PNP) sa susunod na buwan.

Ito ay sa gitna ng pahayag ni PNP chief Director General Nicanor Bartolomegang na nangangailangan ngayon ng 50,000 bagong puwersa sa 140,000-strong PNP.

Ayon kay Bartolome, ito ay upang mas mapaigting ang pagbabantay sa seguridad ng bawat Pilipino sa bansa.

Nabatid pa sa  ayudante mayor ng PNP  na ito ay bukod pa sa kabuuang 6,000 bagong recruits na papasok sa PNP sa Nobyembre.

“This means that of the 6,000 new officers, only 3,000 are effectively added to the force because the others just filled the slots that are left vacant,” ani Bartolome.

Sa kasalukuyan ang “Police-To-Population” ratio sa bansa ay tinatayang isang pulis kada 743 katao, mas mataas kaysa sa target na isang pulis kada limang daang katao ngayong tinatayang nasa 100 milyon na ang populasyon ng Pilipinas.

Kaugnay nito kinalma ni Bartolome ang samabyanan na kahit umano malaki ang kakulangan sa bilang ng kapulisan sa buong Pilipinas partikular na sa Metro Manila ay nanatiling kontrolado pa rin ng pamahalaan ang peace and order situation at nagagampanan nila ang kanilang mandato. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply