39 nawawalang Taiwanese sa West Philippine Sea hinahanap

PUSPUSAN ang isinasagawang search and recsue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa 39 na nawawalang Taiwanese na mangingisda na pumalaot sa West Philippine Sea malapit sa Palawan na naapektuhan ng bagyong Pedring at Quiel.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Lt. Commander Algier Ricafrente, ang mga Taiwanese ay pabalik na sa kanilang bansa sakay ng apat na fishing boat nang mawala ang kontak sa mga ito.

Nabatid na nakasalubong umano ng mga Taiwanese ang malalaking alon dulot ng bagyong Pedring at Queil sa layong 189 nautical miles sakop ng Puerto Princesa City.

Dahil hindi pa nakababalik ang mga banyaga sa kanilang bansa ay agad na humingi ng tulong ang Taiwanese government sa coast Guard ng Pilipinas.

Inabisuhan na rin ng coast guard ang iba pang mangingisda hinggil sa pagkawala ng mga Taiwanese.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply