3D disaster map unang gagamitin sa Taguig

ISANG magandang pagkakataon para sa lokal na pamahalaan ng Taguig na mapili ang kanilang lungsod para isagawa ang pilot test ng high-resolution geo-hazard map na ipinagkaloob ng pamahalaan ng Australia sa bansa.

Sa ilalim ng makabagong uri ng teknolohiya ay gagamit ng laser beams, na tinatawag na Light Detection and Ranging (LIDAR) para makakuha ng three-dimensional (3-D) model ng isang lugar.

Sa pamamagitan state-of-the-art technology ng Australia, magiging madali para sa mga high-ranking government officials na bumuo ng mga mabisang hakbang sa sandaling matukoy nila ang mga lugar bago pa ito pasukin ng mga kalamidad tulad ng bagyo, baha, pagtama ng ipo-ipo, pagguho at pag-uga ng lupa na dulot ng lindol.

Ayon kay Mayor Laarni L. Cayetano, makatutulong ito ng malaki sa disaster risk reduction efforts na pinaplanong paunlarin ng lokal na pamahalaan sa kanilang lungsod.

“Isang magandang hamon para sa lahat na gamitin ang teknolohiyang ito para makabuo ng isang sophisticated geo-hazard map ng sa gayon ay mapaghandaan natin ang mga kalamidad,” aniya.

Samantala, pinanigan din ni Taguig Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) OIC Ronald Galicia, ang pagsusulong ng LIDAR technology na sinasabing angkop gamitin upang mapaghandaan ang mga pagbabagong nagaganap bunsod ng climate change.

Sinabi din ni Andrew Egan ng Australian Aid (AusAID) na napili ang Taguig para sa pilot testing ng LIDAR technology sa dahilang pasibol pa lamang ang development nito at nakahanda din aniya na makipagtulungan ang kanilang bansa sa lokal na pamahalaan upang mapagbuti nito ang land use planning sa sandaling makakuha na sila ng mga datos mula sa high-resolution maps.

Ayon naman kay PIO Chief Darwin Icay, nakikipagtulungan ang Australia sa hangarin ng lokal na pamahalaan na maihanda ang mga mamamayan nito sa paparating na kalamidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply