4 holdaper ng bangko sumuko na, mga hinostage pinalaya

SUMUKO na ngayong hapon ang apat na holdaper na nanloob at nang-hostage ng walong empleyado ng bangko sa Bacoor, Cavite kaninang mag-aala-una ng hapon.

Matapos ang mahigit dalawang oras na negosasyon ay sabay-sabay na lumabas ng Masuweta Rural Bank ang mga holdaper kasama ang pitong mga hinostage na empleyado.

Kinumprima rin ng Cavite Police na wala namang nagalaw o nakuha sa nasabing bangko dahil sa naging maayos ang negosasyon sa pagitan ng mga awtoridad at mga suspek.

Anang pulisya, ibinalik ng mga holdaper ang pera na ipupuslit sana, nang sumuko ang mga ito.

Wala ring naiulat na nasaktan sa nasabing hostage-taking.

Sakay ng ambulansiya ay dinala na sa Provincial Headquarters ng Imus, Cavite Office ang mga suspek para sa kaukulang imbestigasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply