4 jailguards na dinukot ng NPA pinakawalan na

PINAKAWALAN na kahapon, Oktubre 7, ng New People’s Army ang apat na jail guards na dinukot ng mga ito sa Bukidnon noong nakaraang dalawang buwan.

Pinakawalan sina Jail Inspector Eric D. Llamasares, Ozamiz City jail warden at miyembro ng Philippine National Police Academy Class 2007; Jail Inspector Murphy B. Todyog, PNPA Class 2008; Special Jail Officer 2 Rogelio E. Begontes at Jail Officer 1 Rolando D. Bajuyo Jr., kapwa nakatalaga sa Davao Prison at Penal Farm.

Ang apat ay pinakawalan ng mismong NPA Herminio Alfonso command sa tri-boundary ng Bukidnon-Davao Del Norte-North Cotabato.

Matatandaang dinukot ang mga biktima noong Hulyo 21 makaraang iligtas ng mga rebelde ang kanilang isa sa kasamahan na ililipat sana sa Davao Penal Colony sa Kitaotao, Bukidnon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply