4 kasunduan sinelyuhan ng Pinas, Vietnam

PORMAL nang nilagdaan nina Pangulong Benigno Aquino at Vietnamese President Truong Tan Sang ang apat na kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.

Una ay ang Action Plan 2011-2016 na naglalayong pagsamahin ang puwersa ng lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa aktibidades at polisiya na makapagpapalago sa bilateral relations ng dalawang bansa.

“The Action Plan identifies 13 general areas of cooperation: political; defense and security; economic; maritime and ocean issues; agriculture, fisheries and forestry; environment and climate change; energy security; tourism; health; education culture; science and tehcnology; social welfare and development and regional and international cooperation,” ang nilalaman ng Action Plan 2011-2016.

Sinundan naman ito ng Tourism Cooperation Plan 2012 -2015 na sinasabing alinsunod sa  Agreement on Tourism Cooperation na nilagdaan ng dalawang bansa noong 1994.

Naglalayon itong patatagin ang bilateral tourism cooperation na nagsasagawa ng joint tourism promotions, development of cultural tourism exchanges, human resource exchanges, exchanges on relevant tourism information.

Pormal ding nilagdaan ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam Navy para sa mas malagong Mutual Cooperation and Information Sharing.

Ang may kinalaman dito ay ang Philippine Navy at Viet Nam People’s Navy (VPN) para sa mas malagong  Mutual Cooperation and Information Sharing na naglalayong lumikha ng isang framework na magpapalakas sa bilateral cooperation sa pagitan ng mga navy ng dalawang bansa.

Habang ang ika-apat na kasunduan ay ang MOA sa pag-establisa ng Hotline Communication sa pagitan ng Viet Nam Marine Police at Philippine Coast Guard na naglalayong ikasa ang mekanismo para sa regular sharing ng impormasyon lalo na ang pag-uulat ng mga insidente sa karagatan, proteksyon ng marine resources ng dalawang bansa; pagpapanatili ng kaayusan ng sa marine environment: pagsasawata ng smuggling, drug trafficking, illegal immigration at pamimirata at pagsasagawa ng search and rescue operations sa karagatan.

Samantala, napagkasunduan naman ng dalawang lider na ipagpatuloy ang matatag na samahan ng mga ito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply