4 ‘killers’ ni Ram Revilla kakasuhan na

ANO mang oras ay sasampahan na ng kaso ang apat na suspek sa pagkamatay ng kapatid ni Sen. Bong Revilla Jr. na si Ram Revilla at pagkasugat ng kasintahan na si Janelle Manahan.

Ayon kay S/Supt. Billy Beltran ng Parañaque PNP, nakausap na nila si Janelle at nakalikom na sila ng mga detalye mula sa mga ibinigay nitong impormasyon.

Kaugnay nito, humina na ang anggulong love triangle sa kaso at lumalakas naman ang posibilidad na personal na galit kay Ram ang sanhi ng pamamaslang.

Aminado si Beltran na malaking tulong sa kanilang paghahanap ang P500,000 pabuya ng pamilya Revilla para sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga suspek.

Marami kasi umanong impormasyon ang nagdatingan matapos ihayag sa pamamagitan ng media ang malaking halaga ng patong sa ulo ng mga akusado.

Bukod sa nasabing apat, maaari pa umano itong madagdagan ang suspek sa krimen sa pagpapatuloy ng malalimang pagsisiyasat.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply