4 na bagets nahulihan ng de-kalibreng armas

KUMARIPAS ng takbo ang apat na kabataan bitbit ang mga de-kalibreng armas at iniwan ang sinasakyang Ferrari upang takasan ang isang grupo ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita o random check point sa isang lugar sa Quezon City.

Nagsagawa ng random checkpoint ang mga operatiba ng Quezon City Stn. 5 sa pamumuno ni Police Chief Insp. Roberto Razon sa may St. Catherine street, Barangay Holy Spirit dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang mamataan ang isang Ferrari na may plakang DEK 176  sakay ang apat na kabataan at kahina-hinala ang ikinikilos. Lalapitan na umano ng mga pulis ang sasakyan upang magsagawa ng beripikasyon ng magpulasan ng takbo ang mga sakay ng sports car patungo sa isang bahay 50 metro ang layo sa iniwang sasakyan. Kapuna-puna umano sa mga kabataan na may hawak na mga armas o baril ang mga ito habang tumatakas kaya sinundan ang mga ito ng pulis at inabutan nga sa isang bahay ng isang kaibigan ng mga ito na nagngangalang “Miyo.”

Narekober ng mga pulis ang isang 9mm, isang .38 caliber, isang ingram at isang MP5 na pawang kargado ng mga bala. Nang tanungin kung saan galing ang mga baril ay napag-alaman na ito’y koleksyon lamang ng isa sa mga kabataan na siya ring may-ari ng Ferrari na anak ng isang negosyanteng Hapon. Narekober din ang salaping nagkakahalaga ng P23,000 sa mga kabataan at mga alahas na itinurn-over ng mga pulis sa magulang ng mga ito.

Nagulat pa ang mga magulang ng mga kabataan na pawang mga estudyante ng La Consolacion sa pangyayari dahil puro menor de edad pa ang mga bata at mga high school pa lamang para masangkot sa ganitong klase ng kaguluhan. Nang tanungin ang mga ito ay nagjo-joyride lamang umano sila sa paligid.

Bago ilipat sa Department of Social Welfare ang mga kabataan ay idadaan sa Prosecutors Office ang mga ito sa paglabag sa PD1850 o illegal possession of firearms. Iniimbestigahan din kung posibleng sangkot sa gunrunning activities ang grupo. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply