4 na manyak kulong sa pangmomolestiya

KULONG ang apat na lalaki matapos ireklamo ng pangmomolestiya ng isang dalagita sa Caloocan City kagabi (Oktubre 17).

Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness in relation to child abuse sina Melchor Lauta, 42; Gladisor Logronio, 25; Rey Santillan, 23 at Rail Logronio, 21 pawang stay-in sa pinapagawang building sa Ilang-Ilang St., ng lungsod at mga taga-Albay, Bicol.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi, naglalakad ang 17-anyos na biktima sa nasabing lugar nang harangin at paghihipuan ng mga suspek sa mga maseselang parte ng katawan.

Nang makakawala ang biktima ay agad na nagsumbong sa barangay na naging dahilan upang damputin ang apat ng mga tanod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply