4 na Taiwanese ipina-deport ng BI

IPINATAPON ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na Taiwanese matapos matuklasang may mga kasong kinakaharap ang mga ito sa Taiwan.

Kinilala ang mga dayuhan na sina Chang Che-Wei, Yeh Ching-Shun, Chen Po-Hua, at Yen Jung Wu.

Ayon kay BI Commissioner Ricardo David, Jr., nakaalis na ng bansa ang apat sakay ng China Airlines flight papuntang Taipei kahapon (Oktubre 20) at kinansela na rin ng gobyerno ng Taiwan ang kanilang pasaporte.

Batay sa imbestigasyon, tatlo sa apat na ipina-deport ay kabilang sa 26 na Taiwanese na inaresto ng BI at National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng internet at credit card fraud transactions sa Mandaluyong City at San Juan City noong Setyembre 27.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply