4 NPA tepok sa sagupaan sa Cagayan

TINATAYANG apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi habang dalawang sibilyan ang sugatan matapos gawing human shield habang papatakas ang mga rebelde sa nangyaring labanan kaninang alas-5:30 ng umaga sa Brgy. San Miguel, Baggao, Cagayan.

Nabatid na sa apat na namatay, isa rito ay amasona habang wala namang nasugatan sa tropa ng pamahalaan.

Nasa 10 ang bilang ng mga rebelde na nakasagupa ng mga sundalo sa masukal na bahagi ng Brgy. San Miguel at narekober sa pinangyarihan ng labanan ang isang M16 rifle at shotgun.

Patuloy pang inaalam ng pawtoridad ang pagkakakilanlan ng mga namatay na NPA sa pamamagitan ng kanilang mga kamag-anak sa lugar habang patuloy ang ginagawang pagtugis sa mga nakatakas na iba pang mga rebelde.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply