4 pang bagyo papasok sa Pilipinas– PAGASA

APAT pang bagyo ang tinatayang papasok sa Pilipinas bago matapos ang 2011 ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay Science and Technology Undersecretary Graciano Yumul, kung suswertihin, apat na bagyo na lamang ang tatama sa bansa na papangalanang Sendong, Tisoy, Ursula at Weng.

Binabantayan din ngayon ng PAGASA ang panibagong low pressure area (LPA) na posibleng maging bagyo at inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Huwebes (October 20).

Samantala, tuluyan ng nakalabas ng bansa ang bagyong Ramon.

Huling namataan ang bagyong Ramon 40 kilometro sa kanluran ng Laoag City na taglay ang lakas ng hanging aabot ng 55 kilometro malapit sa gitna.

Makararanas ng maulap na kalangitan ang Luzon at Western Visayas na may kalat-kalat na pag-ulan kahit nakalabas na si Ramon sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply