4 patay sa baha sa Bulacan

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng tubig baha, apat na ang napaulat na namatay sa Calumpit, Bulacan.

Ayon sa ulat na kinumpirma ni Calumpit Mayor James de Jesus, kabilang sa namatay ang isang limang-taong gulang na bata na nalunod sa barangay Corazon, isang 16-anyos na namatay sa sobrang lamig, isa pang nakagat ng ahas at isang 11-buwang sanggol.

Sa kasalukuyan, dumarating pa sa Calumpit ang karagdagang rescue team na galing sa Olongapo City at maging ang isang senador ay nagpadala na rin ng apat na rubber boat.

Sa ngayon ay patuloy ang rescue operation sa mga lugar na matinding apektado ng pagbaha sa Bulacan, lalo na sa bayan ng Hagonoy at Calumpit.

Ilan sa mga dumating na rescue teams ang galing sa  3rd Regional Public Safety Battalion ng PNP, Olongapo Search and Rescue at fire brigade volunteer mula sa Metro Manila.

Lubog pa rin sa baha ang 29 na barangay sa Calumpit at 26 na barangay sa bayan ng Hagonoy.

Marami pa ring mga residente sa Calumpit ang nagpalipas ng magdamag sa bubong ng kani-kanilang mga bahay.

Mataas pa rin ang tubig sa nabanggit na lugar sanhi ng pagpapakawala ng tubig sa dams. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply