4 pumatay sa magtiyo sa QC, arestado na

NALAMBAT ng pulisya ang apat sa 11 kalalakihang pumatay sa magtiyo na bantay sa isang computer shop sa Quezon City na kanilang nilooban nitong nakaraang Miyerkules.

Kinilala ang apat na suspek na sina Jonel Meralpis, 21; Sandra Dapat, 21; at Salas brothers James, 21, at Roy, 28 na pawang residente ng Barangay Holy Spirit.

Ang mga suspek ay nakaditine na ngayon sa Quezon City Police District detention cell at nakatakdang kasuhan bukas ng umaga, Oktubre 31 sa QC Regional Trial Court (RTC) ng conspiracy to commit murder.

Ang mga suspek ay dinamnpot sa kani-kanilang bahay nitong Sabado ng gabi sa ikinasang follow-up operations ng police team ng  QCPD Criminal Investigation and Detection Unit sa pamumuno ni Inspector Elmer Monsalve.

Sinabi ni SPO1 Eric Lazo na ang tetigo sa krimen ang nagnguso sa apat na kabilang sa pumatay sa mga bitimang sina Joemer Daguna, 28, at sa kanyang pamangkin na si Francisco Carao, 18, matapos pasukin ang Sungold Computer Shop sa Barangay Commonwealth.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply