4 sasakyan nagbanggaan sa Alabang viaduct

NAGDULOT ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang karambola ng apat na sasakyan sa northbound ng Alabang viaduct ngayong umaga.

Sa paunang imbestigasyon ng Skyway Corporation Traffic Investigation, sangkot sa karambola ang isang Starex van at tatlong bus.

Napag-alaman na pumutok ang gulong sa harapan ng van kaya ito biglang napahinto at nabangga ng nakabuntot na bus at dalawa pang ibang nakasunod na bus.

Iniimbestigahan na ng SLEX highway patrol ang insidente bagama’t wala namang naiulat na nasaktan sa naturang pangyayari. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply