4 sugatan sa landslide sa East Rembo, Makati

SUGATAN ang apat katao, kabilang ang isang kritikal nang magkaroon ng landslide sa East Rembo, Makati City ngayon lamang.

Nabatid na 3:30 ngayong hapon nang gumuho ang malaking tipak ng bato na bumagsak sa apat na kwarto ng isang bahay.

Ayon sa mga residente, nagulat na lamang sila sa pagguho ng malaking bato.

Samantala, ginagamot na sa Ospital ng Makati ang mga nasugatan sa nasabing insidente.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply