4 sundalo sugatan sa armadong kalalakihan sa Zambo

SUGATAN ang apat na sundalo makaraang makipagbarilan sa armadong grupo sa Barangay Taluksangay, Zamboanga City.

Base sa panayam kay Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP-Wesmincom) Spokesman Lieutenant Colonel Randolph Cabangbang sa dzMM, nagpapatrulya ang mga sundalo sa east coast ng naturang lungsod nang pagbabarilin ng mga suspek saka mabilis na tumakas sakay ng bangka.

Nabatid pa kay Cabangbang na ang nasabing grupo ang nasa likod ng pambibiktima ng mga mangingisda sa lugar na una nang nakasagupa ng Task Force Zamboanga noong isang buwan kung saan isa sa kanilang lider ang napatay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply