4 todas sa banggaan sa Surigao del Sur

PATAY ang apat katao sa banggaan ng dalawang sasakyang sa Brgy. Unidos, Tago, Surigao del Sur kaninang hapon.

Sa ulat ng Tandag Police Station, nagkabanggaan ang multi cab at isang mitsubishi strada sa national highway ng nabanggit na lugar.

Sinasabing kasama sa napatay ang driver, mag-iina at isang pasaherong nakasakay sa strada car na galing pa ng Davao City patungo ng Tangdag City sa Surigao Sur.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply