40 barangays sa Capiz lubog sa baha

PATULOY na nadagdagan ang bilang ng mga pamilyang apektado ng pananalasa ng bagyong Ramon sa Roxas City at Capiz.

Mahigit sa 22 barangay sa limang bayan ng Capiz ang nakaranas ng pagbaha kabilang na ang President Roxas, Ivisan, Sigma, Mambusao at Pontevedra.

Umaabot naman sa 2,761 pamilya o 13,800 katao sa 18 barangay sa Roxas City ang sinalanta ng pagbaha kung saan karamihan sa mga ito ang inilikas na sa evacuation centers.

Dalawa na rin ang naiulat na nasugatan kabilang na ang 25-anyos na lalaking tinamaan ng kidlat na kinilalang si Chorel Apaitan at Juanito Odrunia na natabunan ang bahay dahil sa soil erosion sa Agustin Navarra sa bayan ng Ivisan.

Namahagi na ng mga relief goods ang lokal na pamahalaan ng Roxas City sa pamununo ni City Mayor Alan Celino kung saan inikot nito ang mga barangay na lubhang naaapektuhan lalo na sa coastal areas.

Patuloy naman ang pag-iikot ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa mga bayan na nananatiling lubog sa tubig-baha.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply