40 batang kalye, solvent boys nasakote

UMABOT sa 40 street children at solvent boys ang nasakote sa isinagawang round-up operation ng City Social Welfare Development Office (CSWDO) kahapon ng hapon (Oktubre 5) sa San Pablo, Laguna.

Ang panghuhuli sa mga “solvent boys” ay pinangunahan ni Social Welfare Officer Grace Adap at kanyang mga tauhan.

Hinuli ang mga nabanggit na kabataan na nasa edad 12 hanggang 25 na pagala-gala sa mga kalye ng lungsod at sa sa paligid ng mga shopping mall upang mabigyan ng kaukulang paggabay.

Lahat ng nahuli ay binigyan agad ng counseling at ang iba naman ay isinauli sa kani-kainlang pamilya partikular na ang mga batang menor-de-edad. Lima naman dito na may sapat ng gulang ay tinulungang ipasok sa rehabilitation center sa Magdalena, Laguna.

Ayon sa OSWD, regular na nilang isinasagawa ang ganitong proyekto subalit marami pa rin ang nasasadlak sa ganitong sitwasyon.

Napag-alaman din na hindi na solvent o rugby ang ginagamit ng mga kabataan at sa halip ay Vulcaseal na ang ginagamit sa kanilang masamang bisyo.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaang lungsod sa tanggapan ng CSWDO para sa mga ganitong programa ng pamahalaan lalo’t higit para sa mga proyekto ukol sa proteksyon ng mga kabataan sa siyudad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply