45 pasahero sugatan sa bus accident sa Samar

SUGATANG isinugod sa Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) ang 21 mga pasahero na sakay ng PP Busline, samantalang 24 naman sa Eaglestar sa bayan ng Paranas, Samar at Catbalogan City.

Papuntang Davao ang PP Busline, kung saan tumagilid ito sa daan dahil umano sa madulas na kalsada dulot ng ulan.

Samantalang inararo naman ng Eaglestar ang isang bahay sa Catbalogan City, dahilan upang masugatan ang mga pasaheros.

May kabuuang sakay na 40 pasahero ang Eaglestar.

Naniniwala ang mga otoridad na maaaring nagmamadali umano ang mga bus upang makarami ng pasahero dahil na rin sa darating na long weekend.

Sa ngayon, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to physical injuries ang mga drivers ng nasabing mga bus.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply