46 flights kinansela; normal operations ng PAL magtutuloy-tuloy na

KINUMPIRMA ng Philippine Airlines (PAL) na 46 flights lamang ang kanilang kinansela bunsod pa rin masamang panahon.

Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, 18 rito ay kinabibilangan ng domestic habang 28 naman ang international flights.

Umaabot din aniya sa 94 biyahe ang may go signal na bumiyahe at nakaalis na rin sa mga oras na ito.

Labing-anim naman na domestic flights ang na-divert sa Terminal 3.

Una rito, 67 international at domestic flights umano ang kinansela ng PAL batay sa impormasyong inilabas ng Ninoy Aquino International Airport.

Sa ngayon ay 70 porsiyento na umano ang operasyon ng flag carrier ng bansa pero dalawang linggo pa  bago tuluyang bumalik sa normal ang kanilang mga biyahe.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply